Mga peste ang tawag sa mga nabubuhay na organismo na namiminsala sa mga pananim ng ating mga magsasaka. Isa sa mga talamak na namiminsala sa mga pananim ay ang mga pesteng insekto katulad ng green leaf hoppers, aphids, at whiteflies. Lingid sa kaalaman ng nakararami, hindi lamang ang mga kemikal na pestisidyo ang kayang sumugpo sa mga pesteng insektito. Ang mga eksperto sa Ramon Magsaysay-Center for Research and Extension Services (RM-CARES) ng Central Luzon State University ay nagbahagi ng apat na natural na pamamaraan upang masugpo ang mga pesteng instekto.
- Panatilihin ang “Diversity” ng kapaligiran at ng lupa• Ibat-ibang uri ng gulay and itanim sa isang lugar.• Halinhinang pagtatani• Huwag gumamit ng lasong pangbomba, pinapatay din nito ang mga kaibang organismo.• Pagpaparami at pag-aalpas ng mga kaibigang kulisap at mikrobyo laban sa mga peste.
- Palakasin ang resistensya ng halaman• Gumamit ng organikong pataba upang mabigyan ng balanseng sustansya ang pananim•Pumili ng pananim na may sariling resistensya sa sakit.• Pumili ng pananim na angkop sa klima at lupang taniman.• Pumili ng tamang panahon ng pagtatanim.
- Sugpuin and pag-atake ng mga peste• Mag spray ng Biopesticide (Kakawate extract, Hot pepper (Sili) extract, Luyang dilaw extract, Compost tea or vermitea• Gumamit ng net at Insect traps
- Panatilihin and kalinisan (sanintation)• Gumamit ng pananim na walang sakit o sira• Alisin ang peste at apektadong bahagi ng halaman • Magbawas ng sanga (pruning)• Wastong pagitan ng mga pananim
Para sa karagdagang kaalaman tungkol dito, maaring dumulong sa Ramon Magsaysay-Center for Agricultural Research and Extension Services, Central Luzon State University
I couldn’t refrain from commenting. Very well written!