Ang mga pesteng insekto ay matatagpuan sa ekosistema ng mga tanim na nagdudulot ng pinsala tulad ng pagbaba ng ani kung hindi makokontrol ng maayos. Mahalagang malaman ang biyolohiya at mga gawi ng mapanirang insekto upang mabawasan ang pinsala nito sa tanim. Ang napapanahong pagsasagawa ng istratehiya sa pagkontrol ng mga peste ay kailangan at napakahalaga sa pagtatanim. Imbis na gumamit ng mga kemikal na pampuksa sa mga pesteng insekto, mayroong natural at mabisang paraan para labanan ang mga nakakaperwisyong peste sa palayan at ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng mga natural na kaaway ng mga pesteng insekto tulad ng mga mandaragit (predator), parasitiko (parasite) at mga parasitoid. Narito ang mga karaniwang peste na matatagpuan natin sa ating mga palayan at mga natural na pamamaraan sa pag-kontrol sa mga ito.
Rice Whorl Maggot
Sintomas o Palatandaan ng Pamiminsala:
– Nagsisimulang umatake sa transplanting stage
– May puti or transparent na batik o patches
– May pinholes o maliliit na butas sa dahon
– Ang mga napinsalang dahon ay madaling nasisira o napuputol ng hangin
– Pag-baluktot o pagpilipit ng dahon
– May mga puti o dilaw na batik o mantsa sa loobang gilid ng tumutubong dahon
– Pagka-bansot ng tanim
– May kaunting suwi o tillers
Mga Natural na Pamamaraan ng Pagkontrol:
– Pinaparasitiko ng maliliit na wasps ang itlog ng rice whorl maggots. Ang dolicopodid flies ay kinakain ang mga itlog samantalang ang mga ephydrid flies at gagamba ay kinakain ang malalaking rice whorl maggot.
– Ang tanim na palay ay madalas na napapalitan pa ang nasirang dahon ng peste. Madalas na ang mga sintomas ng pamemeste ay nawawala tuwing maximum tillering stage ng tanim.
Green Leafhopper (GLH) (ang carrier ng Tungo virus)
Sintomas at Palatandaan ng Pamiminsala:
– Pagkabansot ng halaman
– Pagkaunti ng mabungang tillers
– Pagkalanta o pagtutuyot ng tanim na palay
– Paninilaw ng mga dahon
Mga Natural na Pamamaraan ng Pag-kontrol:
– Gumamit ng GLH-resistant at tungro-resistant na varieties ng palay .
– Limitahan ang pagtatanim dalawang beses kada taon at pagsabay-sabayin ang pagtatanim sa bukid upang mabawasan ang leafhoppers at iba pang insect vectors o carrier ng sakit.
– Ilipat tanim ang matatandang punla (>3 linggo) upang mabawasan ang mabilis na pagkapit ng sakit na ipinapasa ng leafhoppers.
– Magtanim ng maaga lalo na tuwing tag-araw.
– Iwasang magtanim lalo na tuwing aktibo at maraming GLH sa lugar. Maaring gumamit ng light traps upang malaman ang dami ng GLH.
– Panatilihing malinis ang lugar at walang damo na maaaring pamahayan ng GLH.
– Mag-sagawa ng crop rotation.
Brown Planthopper
Sintomas o Palatandaan ng Pamiminsala:
– Paninilaw o hopperburn, browning, at pagtutuyot ng halaman
– Pag-kakaroon ng ovipositional marks na maaring magpabilis ng impeksyon dulot ng pag-kakalantad ng halaman sa fungi at bacteria
– Pag-kakaroon ng honeydew at maiitim na amag sa naapektuhang halaman
– Pag-kakaroon ng ragged stunt o grassy stunt virus disease
Mekanikal o pisikal na Pamamaraan ng Pag-kontrol:
– Lunurin ang kamang punlaan o seedbed sa loob ng isang araw upang ang mga dulo lamang ng mga punla ang maaring ma-expose sa BPH.
– Walisin ang maliliit na seedbed gamit ang net para matanggal ang ilang BPH (pero hindi ang mga itlog), partikular na sa tuyong kama o seed beds. Subalit kapag napakarami na ng BPH sa puno ng halaman, maaring hindi sasapat ang pagwawalis lamang upang matanggal ang BPH.
Natural na Pamamaraan ng Pag-kontrol:
– Ang mga natural enemies ng BPH ay water striders, mirid bugs, spiders, at iba pang egg parasitoids.
– Kung ang mga natural enemies ay mas marami na sa populasyon ng BPH, mas mababa ang panganib na dulot ng hopperburn. Kahit ang mga palay na napinsala na ng hopperburn ay di na dapat lagyan ng insecticides kung mas marami na ang natural enemies sa palayan kesa sa BPH.
Rice stemborer
Sintomas o Palatandaan ng Pamiminsala:
– Tuyong suwi (tillers) o deadhearts na madaling nabubunot mula sa puno habang nasa vegetative stages.
– Ang mga bagong tumutubong uhay ay maputi, hindi puno o walang laman.
– May maliliit na butas sa tangkay at suwi (tillers)
– May mga mala-ipot o dumi sa loob ng naapektuhang tangkay
Mga Natural na Pamamaraan ng Pagkontrol:
– Gumamit ng mga varieties na mataas ang resistensya
– Sa paglilipat tanim sa seedbed, pulutin at sirain ang mga kumpul kumpol na itlog
– Paminsan minsan ay itaas ang level ng tubig upang malubog at malunod ang mga itlog na nasa ibabang bahagi o puno ng tanim
– Bago magpalit tanim, putulin ang dulo ng dahon para mabawasan ang itlog na maaring malipat mula sa seedbed patungong mismong taniman.
– Siguruhin ang tamang oras ng pagtatanim gayundin ang sabay-sabay at parehas na pagtatanim at pag-aani. Alisin ang mga pinaggapasan, araruhin at tubigan (flood) ang palayan.
– Gumamit ng mga biological control agents: wasps, ants, lady beetles, green meadow grasshopper, earwigs, bird, dragonflies, damselflies, spiders, etc.
– Ang mga bacteria at fungi ay pumupuksa rin ng mga larvae: mermithid nematode, chalcid, elasmid and eulophid.
Rice Bug
Sintomas at Palatandaan ng Pamiminsala:
– May makintab, oblong na hugis at reddish brown na itlog sa gitna ng dahon
– Maiitim na batik sa mga butil ng bigas
– May kakaiba at mabahong amoy
– Ang pagkain ng rice bug tuwing milking at dough staging palay ay nagdudulot ng hindi buo o walang laman na butil ng bigas at maliit o durog na butil
– May batik batik o may maiitim na butil
– May mga tirik na uhay (panicles)
Mga Natural na Pamamaraan ng Pagkontrol:
– Alisin ang mga damo sa palayan at paligid upang maiwasan ang pagdami ng rice bugs tuwing fallow periods.
– Patagin ang lupa at lagyan ng organic fertilizer at tubig upang lumaki ng maayos ang tanim. I-practice ang sabayang pagtatanim o (synchronous planting) sa isang lugar o komunidad upang mabawasan ang problema sa pamemeste ng rice bug.
– Hulihin ang rice bugs gamit ang net tuwing madaling araw o sa hapon bago lumubog ang araw. Ito ay epektibo kahit na matrabaho lalo na kung mababa pa ang populasyon ng rice bug.
– Gumamit ng biological control agents: ang ilang wasps, grasshoppers at spiders ay umaatake sa rice bugs o o mga itlog nito. Iwasan ang pag-gamit ng insecticide dahil naapektuhan din nito ang biological control agents.
Rice Black Bug
Sintomas at Palatandaan ng Pamiminsala:
– Kinakain ang halaman mula seedling hanggang maturity growth stages. Ang sampung (10) black bug adults per hill ay kayang makasanhi ng pagkalugi ng hanggang 35% sa palayan.
– Pagkawala ng natural na kulay ng dahon (reddish brown or yellowing of plants and chlorotic lesions on leaves)
– Pag-kaunti ng bilang ng suwi (tillers).
– Pag-kabansot ng pananim ng palay.
– Ang malawakang pamemeste nito at bugburn ay kadalasang makikita sa heading o maturing stage ng palay
Mga Natural na Pamamaraan ng Pag-kontrol:
– Isagawa ang sabayang pagtatanim o synchronous planting.
– Pangalagaan ang mga beneficial organisms- small wasps (parasitize the eggs), ground beetles, spiders, crickets, and red ants (attack the eggs, nymphs, and adults), coccinellid beetles, ducks, toads (feed on eggs and nymphs), fungi species (attacks nymphs and adults).
– Tubigan o lunurin ang palayan.
– Gumamit ng light trap.
– Pagkatapos ng pag-aani, araruhin ang palayan upang matanggal ang naiwang insekto.
Mga Sanggunian:
http://www.rkmp.co.in/content/symptoms-and-nature-of-damage-of-green-leafhopper
http://www.nbair.res.in/insectpests/Leptocorisa-oratorius.php
http://www.knowledgebank.irri.org/training/fact-sheets/pest-management/insects/item/planthopper
http://www.cpsskerala.in/OPC/pages/risePestRicestmborer.jsp
http://www.knowledgebank.irri.org/training/fact-sheets/pest-management/insects/item/rice-whorl-maggot
http://www.nbair.res.in/insectpests/Leptocorisa-acuta.php
http://www.knowledgebank.irri.org/training/fact-sheets/pest-management/insects/item/black-bug
http://mrgoutham.blogspot.com/2011/05/rice-insect-pests-pictures.html
https://ipmworld.umn.edu/heinrichs
http://www.nzdl.org/gsdlmod?e=d-00000-00—off-0fnl2%2E2–00-0—-0-10-0—0—0direct-10—4——-0-1l–11-en-50—20-about—00-0-1-00-0–4—-0-0-11-10-0utfZz-8-00&cl=CL1.3&d=HASHd3b46cd4916b56b3547bcc.3.1&x=1